Tuesday, August 21, 2007

Ph's Best



Masarap ba ang Ph's Best?

Natulala na lang ako ng makita ang isang advertisement sa Friendster.com. May ibinibentang mabiling mabili at sobrang in demand lalo na sa mga "hilaw" - "hilaw na DOM" ang pangalan ay Cebuana Girls.

Ang ganda ng pagkaka-advertise na my tagline na parang ganito - "Filipinas this
is your chance to have a good fortune! marry an American man!" - woaha! ayos parang sinabing wala na kayong pagasa kaya grab the opportunity! parang jackpot ang magasawa ng kano. AT TAMA BANG IBENTA ANG PINOY? Hindi man direkteng binibenta ganun pa din ang lumalabas.

Hindi ko napigilang hanapin yung site at syempre sa tulong ng world wide web, feeling
detective na naman ako. Nakita ko yung site. Hindi ko alam kung maiinis ako o mahihiya dahil sa homepage pa lang ay may mga pilipina nang handang sumali sa contest.

May mga picture nila na pang 1x1 ang nakapost sa isang napaka cheap na website. Grabe wala
man lang ka-effort effort yung web designer parang elementary na gumawa ng 1st website nya yung itsura. Badtrip!

Name your price!.

Beautiful Philippine girls and women looking for pen pals, love and marriage. A free website.


Isang testimonial sa site mula sa isang member : "thanks for ur wonderful site, meet my Man. Just want to say thanks a lot for making me use ur site to find my man, just want to let u know this and tell u to pls remove my add there. I will be glad if my request is granted, more grace to ur elbow." K. L.

Hindi ko alam kung ano talaga ang gustong palabasin ng gumawa ng site na yan at bakit mga pilipino ang ginamit nyang main menu sa handa niyang webpage.. at bakit meron paring mga pilipino ang pumapayag na maging canned goods na pang export.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home