Saturday, August 25, 2007

Dukot

"Mas mahal ang hindi mag-aral kaysa mag-aral...."

Yan ang pumasok sa utak ko kanina habang naglalakad sa kawalan kasama ang isang kamag-aral.

Maaga kasi kami umuwi dahil walang klase sa huli naming subject at dahil masaya ang lahat, ang aming klase ay ginanap sa mall na malapit sa aming paaralan.

Pag nasa mall, walang oras, wala kang nakikita, ang tanging naririnig mo lang ay ang nagsasabing "bilin mo ko" at walang pipigil sayo na ubisin ang baon mo kahit nasa kailaliman na ito ng bag mo. Pilit itong kukunin ng nangangati mong mga kamay na parang mandurukot sa bilis ng pagbigay ng bayad sa cashier.

Sa aming paguwi ko lang namalayang nagastos ko na ang dapat na baon ko sa isang linggo.

Kung sana ay sa mga oras na iyon ay nasa silid aralan ako at nagsusulat hindi sana mawawala ang itinago kong baon. Hindi sana ako mabibiktima ng sarili kong mga kamay.

1 Comments:

At August 26, 2007 at 6:44 AM , Anonymous Anonymous said...

totoo un parate ko yan nararanasan hindi lang baon pang isang linggo pang isang buwan pa

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home