Saturday, August 25, 2007

1 click


Mga bagay na nagustuhan ko sa photography.

hindi kailangan ng papel,

hindi kailangan ng tinta,

hindi tutulo ang pawis

isang pindot lng ayos na!.

maipapahayag mo ang sarili sa paraang tahimik. Kahit anung bagay pwedeng gamitin para ibuhos ang nararamdaman mo sa mga oras na tikom ang iyong bibig.

hindi ako propesyunal sa larangang ito at sa totoo ay wala akong alam sa mga tamang pagkuha ng litrato (kung meron man). Aksidenteng nagustuhan ko ito ng maisip ko at matanggap ko na wala akong kinabukasan sa drawing. Suko na ako dahil wala talaga ata akong talento sa pagguhit.

At ngayon ito na siguro ang hobby na kahit wala akong talento ay hindi naman masyadong mahahalata ng makakakita liban na lang kung propesyunal sila.

1 Comments:

At August 27, 2007 at 9:04 PM , Anonymous Anonymous said...

wahaha..gusto ko tong pic na to.parang 'nostalgia' dating..ewan,basta ganun..wahihi

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home