Tuesday, August 28, 2007

Maghanap tayo

Aug. 28, 2007 umaga, wala kaming report sa Sociology dahil: hindi namin alam. nakalimutan, o sadyang kinalimutan namin. Hindi kami nakapagpareserve ng CPU at projector na halos dalawang buwan nang dapat napaghandaan. Ngunit hindi tungkol dyan ang kwento ko.

Napunta ang atensyon ko sa nabanggit ng isa sa aking mga kagrupo. "malas, mukang malas nga talaga dahil may lunar eclipse mamaya!" --sabi niya... Lunar eclipse??!.... Picture ang unang pumasok sa isip ko. Dapat ay makuhanan ko yun dahil isang beses lang mangyayari yun sa isang taon! Nung isang taon ay hindi ko din yun nasaksihan dahil sa hindi ko alam na dahilan.

Pero mukang hindi naman talaga malas ang dala ng eclipse dahil nagawa naming magpaliwanag sa aming prof na ginamitan ng konting karisma ng magaling kong kagrupo at yun solve!

Sa sumunod na klase mukang patuloy ang magandang hatid ng eclipse sa araw namin. Wala ang prof namin na ni-minsan ay hindi pa nag-aabsent!! ayos! ang aga ng uwian namin!
Pero syempre dahil walang klase, kagaya ng inaasahan ay sa mall namin ginanap ang naudlot na ITlab. Nung una ay ayoko sumama dahil baka hindi ko maabutan ang eclipse dapat 6pm ay nasa bahay na ko pero dahil hindi ako makatanggi, wala akong nagawa kundi sumama at nakita na lang ang sarili kong nagbabayad na ng pamasahe sa dyip papuntang kung saan.

Market Market -- dun kami nagdaos ng klase namin. May nangyaring hindi ko alam kung tatawaging swerte na naman o ang kapal lang talaga namin tsk. -- (sasabihin ko na lang sa kaduktong nito dahil may mga bagay na dapat ninyong makita).

Paguwi -- 5:30 ako dumating ng bahay, medyo pagod at inaaantok. Nalimutan ko na ang tungkol sa hinihintay na lunar eclipse...... At muli itong naalala nang magkwentuhan kami ng pinsan ko tungkol sa 'Embassy'...

ako: punta tayo ng embassy!
pinsan: ah.. eh ano naman gagawin natin dun?
ako: ayyyyy may lunar eclipse nga pala ngayon!!!!! (sabay akyat at punta sa terrace)
pinsan: (hanap ng negative).
ako: waaaaaaaaaaa! wala naman eh!! ang dilim-dilim!
pinsan: umulan kasi.

Pero dahil mapilit ako at nagbakasakaling may makikita kahit anino, pinagpipindot ko ang kamera ko hanggang sa wala akong napala kundi...



Antena (di sinasadyang sumali)


Sipit na glow in the dark

Wala na lang akong nagawa kundi panoorin sa TV ang kasalukuyang nagaganap na lunar eclipse sa mga oras na yun.

2 Comments:

At August 29, 2007 at 11:33 AM , Anonymous Anonymous said...

inaabangan ko din nga yun eh, kaso umulan din samin, oh well. sa susunod na lang ulit.

 
At September 2, 2007 at 10:38 PM , Anonymous Anonymous said...

Hello!!! dumaan lang po... isa din ako sa mga nag-antay pero di nakisama ang langit kaya nagsearch na lang ako... kahit sa video man lang makita ko... hehehehe... visit nyo po ito... http://blogkadahan-incorporated.blogspot.com -

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home