Monday, November 12, 2007

7 days more!

"that's the beauty of unexpected!"
**beauty ha?

Ang dami! sobra!.... Parang isang taon na nakalipas sa sobrang bilis ng araw, sa sobrang dami ng mga nangyari sa akin simula noong oktubre lang halos isang buwan pa lang ang nakakalipas.. wew... paano ko ba sisimulan ang post ko na 'to. Matagal ko na kasi gusto ilagay lahat ng adventures ko dito sa blog ko pero, ngunit, sapagkat maraming bagay ang hindi pwede ihayag at dapat sarilihin na lang.... sensya naman haha!..

that's the beauty of unexpected -- hindi ko alam kung anong beauty meron sa mga na-experience ko pero naniniwala naman ako na everything happens for a reason.... yun nga lang... di pa rin alam ang reason. o di ko lang siguro napapansin kung ano yung reason..

you meet someone new -- sabi nila dalawa lang daw klase ng taong makakasama mo.
one will just pass by and one will stay with you for a longer time (true friends as they say).

** blabla..

Im turning 18!! -- wew... ito yung pinaka nagpabusy sa akin this month.. pano naman kasi malay ko bang hindi lang birthday laugh trip gagawin ko ngayon. Akala ko magvivideoke lang kami ng tropa ko tsaka ng family ko ngayong 18th birthday ko yun pala OMG! kung ano-ano pang ka-ekekan gagawin ko. weeeeew... at hindi naman kasi ako party person noh. well sabi nga it's just once in a lifetime, once in a lifetime pagtatawanan ng mga kabarkada mo haha! ewan kagaya nga ng nasabi ko di ako maka-party kaya siguro hindi ako marunong mag act sa mga ganung event.

Santa Claus is here --
kahapon, Nov. 11, 07 nagpunta kami ng tita ko sa SM south 9am may binili lang siya tapos gumala na din kami. 2:30pm sabi ko punta kami ng festi dahil magkikita kami ng mga classmate ko nung high school para ibigay yung invitations nila para sa birthday ko so go kami. Iniwan na niya ako sa festi dahil sasabay siya sa tito ko. Nagkita kami ni batman. Binigay ko invi niya tapos may nangyari pa dahil hindi kami nagkaintindihan sa pagkikitaan namin. ayun pinagtawanan niya ako!.. dumating na yung iba pa, nauna si wetpu, sunod lhean pero umalis agad siya, tas c "Sean kingston" haha! tapos si sticky at ang grand entrance., si bakekang! Ayun todo laugh trip na naman may napagtripan na naman kami at pinagtripan din nila ako. Kumain kami sa jollibee nawala pa ni sticky yung invi niya badtrip talaga!. tapos tambay sa foodcourt kwentuhang walang pinatutunguhan basta tawa lang hanggang magkakabag kami.
6pm sabi ko magsisimba ako, dapat sa OLACS pero sabi nila sa SRCS na lang para sabay na kami. ayun kahapon lang ulit ako nakabalik dun.. nakakamiss sobra. si bakekz tsaka si sean lang ang kasama ko umuwi na sila wetpu at sticky baka masunog ata hehe.. Nung matapos na yung mass umuwi na si sean dahil may assignment pa daw siya (bait) haha! kami na lang ni bakekz as usual. pumunta kami sa house nila leny para i-invite siya. ayun pumayag din. tapos di pa niya ako pinauwi nun naghanap pa kami kung saan-saan ng dress niya na isusuot sa bday ko.. (nagagalit na sila sakin dahil prob pa nila yun hehe!) tapos iniwan ko na siya dahil uuwi na ko.

Santa Claus prt2 -- kanina! after class dami ko plano. dapat 12 lang ang uwi ko eh dahil sa makeup class namin sa physics 3pm na ko nakauwi. plano ko after class punta ako fitness first gym muna eh tinamad na ko dahil din sa ibang nakakaasar na sitwasyon. plano ko din after nun na pumunta kila dums para magpa-tongue pierce pero di rin natuloy dahil sa kung ano-anong dahilan. (hayzzzzz dapat talaga ay huwag magplano) nakatulog ako sa bus mga 5pm nakauwi na ko. pahinga tapos may binusisi lang na ilang gamit tapos text ng text tapos pumunta ako sa tita ko para tumambay. 7:30 bumalik ako ng house hinihintay ko text ni tekla dahil magkikita kami ng 8pm para pumunta kila cy at ibigay yung invi niya. (special ah) haha.. ang tagal bumaba ni tekla sa bahay nila para tuloy ako nanghaharana dun. ayun ang magaling na tekla di pa pala nasasabihan si cy na pupunta kami kaya tinawagan ko pa si cy sa cp niya tas mom pa niya yung nakasagot dahil lumabas siya. kinuha ko yung address nila. sa tricycle, sabi ni tekla kay manong--

tekla: "manong sa block 9 po ah"
manong: "eh isa lang ang block 9 talaga dito wala nang iba"
tekla: ** tameme..
ako: "haha! taray ni manong!"

nakarating din sa bahay nila cy at ayun inasar ko siya sa bahay nila pero medyo busy kasi sya kaya di kami nagtagal. tapos uwi na. dapat pupunta pa kami kila zest para ibigay yung invi niya na may iba pang istorya eh pagod na kami kaya diretso uwi na. bago pala kami umuwi, bumili muna kami ng favorite ni tekla na penoy tas ayun nakauwi na din...waaaaaaaaaaa! kapagod...........>.<

P.S. --
sana makapunta po lahat ng inivite ko para di kami langawin sa bday ko haha!..

babay 17..-- hayzzzzz ilang araw na lang at magpapaalam na ko sa age na tama lang, hindi matanda, di rin sobrang bata para pag bawalan sa mga gusto kong gawin. mapapalitan na ang age ko sa lahat ng account ko sa net lalo na sa friendster ko..! tsktsk! legal age nga pero masasama na ko sa mga bilang ng botante at iba pang bagay na magpapakita lang na matanda na ko!!!! T_T... well that's part of growing up.. boinks...ayun na lang masasabi ko... matanda na ko!! at 2years na lang at mawawala na ang "teen" sa age ko...awwww... too bad..heehee. madami naman tayo eh kaya ok lang kaya natin 'toh! haha! 7 days more of being a 17 yrs old verting! heehee!

HAPI BERTDEY VERTING! ^_^

Saturday, November 3, 2007

Emo is no more genre


Nakakagulat lang nang mapanood ko kani-kanina lang ang docu ni Jessica Soho tungkol sa mga "emo". Hindi ko kasi akalain na may mga tao talagang dinidibdib ang pagiging "emo" nila. May mga naglalaslas, umiiyak, at kung ano-ano pang suicidal attempt ang pinaggagagawa nila. tsk I'm not an anti emo pero sadyang ako'y nagulat na sobrang naiimpluwensyahan ang mga taong yun ng mga kanta at tugtuging trip nila. tsktsktsk..... lalo na at kasing edad ko halos ang mga "emo youth" na yan. Siguro nga depression, family problem, peer pressure, at kung ano-ano pang mga bagay ang nagdadala sa kanila para maging emo hindi lang sa porma kundi pati na rin sa pagiisip. Hindi ko din naman sila masisisi dahil kahit ako ay nararanasan ko yun minsan pero siguro hindi ako dumaan sa punto na dahil lang sa musika ay may magagawa na ako sa sarili ko na hindi naman dapat.

Nalaman ko ang tungkol sa mga emo kelan lang. Siguro nga ay matagal na ang genre na yan pero syempre dahil kakababa ko lang ng bundok ay kelan lang din ako na-update sa mga bagay bagay. nagustuhan ko din ang mga emo dahil ang cute nila pumorma at may mga banda at kantang emo na gusto ko --wala akong genre for short haha!.. Nakilala ko ang emo dahil sa music nila at hindi sa drama nila. Madami din akong naging kaibigan na emo. Wala naman silang pinagkaiba sa iba kong mga kaibigan kundi porma lang kaya hindi din ako naniniwalang ang mga mahilig sa emo o emo ang genre ay dapat na ding mag emote! mali mali mali talaga...

Eto may nakita akong medyo dapat ilagay sa utak ng mga emo out there yoohoo! haha..


Sorry sa mga natatamaan... no offense sa mga naoffend I just want to share my thoughts may point man ako o wala, tama man ako o hindi. opinion lang po mga tol ^_^ let's not take it seriously genre is just a genre and it doesn't have to affect your personality, your lifestyle and your outlook in life.\m/