Thursday, February 28, 2008

Period No Erase

Anong pakiramdam ko ngayon?

hmmmm anu nga ba?

tatlong buwan na akong ganito, nagsimula ata pagkatapos ng bagong taon. Medyo sanay na din ako sa mga ginagawa ko araw-araw pero ang galing dahil nakatagal ako ng ganito.

anu nga ba ang sinasabi ko..

Bago kasi sakin na bahay - eskwelahan lang ang sistema ko araw araw..... OO totoo yun wala akong matandaang gumala ako simula ng magbagong taon na umabot ng gabi bukod dun sa may event sa school namin na 9:00 na ako nakauwi. Siguro dala na din ng pagod at excitement sa paglalaro ko ng ragnarok at minsan pag pakiramdam kong marami dapat gawin at ayusin. Pero heto ngayon at nanganganib ako sa isa kong subject (Calculus). hay kung kelan ako palaging nasa bahay tsaka pa ata ako magkakaroon ng una kong singko... Hindi ko nga alam kung bakit ganito ako tuwing magtatapos na ang term lagi akong nababagabag kakaisip kung may bagsak ako o wala.

Mali ata ang sistema ko.. mali nga..

Ningas Kugon -- yan, yan ako. Sa umpisa........ hanggang diyan na lang. At sa huli para akong bulate na binuhusan ng zonrox kakaisip tuwing gabi kung ano ang mangyayari pag nakita ko na ang grades ko at saksi ang pinsan ko diyan. Buti na lang talga at may nasasabihan ako. ANG TAMAD MO KASI BERA ALAM MO BA YUN???! ... OO ALAM KO AT PROUD AKO DUN!

Katamaran -- Pinagtawanan ako ng pinsan ko nung minsang kumakain kami. Sobra na daw kasi ang katamaran ko. Kumakain kami ng pritong hindi ko na matandaan kung manok o baboy basta prito yun sabi niya ang arte ko daw dahil ayaw ko pang kamayin. At ang sagot ko na hindi ko pa rin maisip kung bakit ko nasabi yun o dahil yun talaga ang dahilan ko ay "tinatamad kasi akong maghugas ng kamay" nyakkk..... baka bigla na lang ako sugurin ng mga langgam sa inis sakin. Sana naman kasi binigyan nila ako ng konting kasipagan di ba? haha

Masasabi kong pinoy talaga ako. Manyana habit - report ko dati sa philo at nakarelate talaga ako. Nung freshman ako masipag pa ako at talagang maaga pa lang ay sobrang ayos na ng mga assignments ko at lahat ng dapat ipasa wala ding quiz na hindi ako nakapagaral. Palagi akong prepared noon. Pero sadyang ganun nga lang siguro ang....mga Bera. Ngayon ata ay parasite na sila dahil sa ym na pwede na lang ipasa ang assignments at reports pwede na din ang mag copy+paste sa net. Mahal ko talaga ang teknolohiya haha!!. Pero ang hindi ko lang magagawa kahit tamad ako at at at..... lahat na ay magpabaya sa aking pinakamamahal na pagaaral dahil kahit tamad ako gumawa ng assignment at magreview pag may quiz hindi ko pa din hahayaan na wala akong mapasa at wala akong masagot pag exam kaya nga lang CRAMMING ang solusyon @@@#@#!

Sasabihin ko sa inyo ang sistema ko.

Pag kagaling ko ng school hihiga ako sa kama titingin sa buong kwarto at magiisip ng wala. pupunta ako sa harap ng computer pero madalas ay gamit na ito ng pinsan ko kaya daldalan na lang. Dinadaldal ko siya kahit walang kakwenta kwentang bagay. maiisip kong magbukas ng bag at magaral pero... may pumupigil sakin at sasabihing: mamaya na lang dahil pagod ka pa kahit mas malakas pa ako sa kalabaw at kayang bumuhat ng isang sakong libro. bababa ako at maghahanap ng pagkain sa ref pag wala aakyat ulit ako sa kwarto para matulog o kaya manood ng tv o kaya maupo o kaya panoorin ang pinsan ko sa ginagawa niya at ayun tuloy tuloy na at mapapansin ko na lang na gabi na (kagaya ngayon) at dapat na akong gumawa ng assignment. Magbubukas muna ako ng ym para tumingin kung sino ang online at magtanong pa kung may kulang pa sa ginawa ko at pag ayos na ang lahat pwede na akong matulog at managinip.

Bakit nga ba ako nanganib sa math? at pati na rin sa mga iba kong subject?

Dahil ganito lang kasimple.

Sa umpisa ng term, simple lang ang mga topic at ang yabang ko pa na nadadalian lang ako kaya hindi pa ako nagbubukas ng mga notes at mapapansin ko na lang na nahihirapan na ako kung kelan nagpatung-patong na ang mga lesson at hindi ko na kayang isaksak sa utak ko ng isang araw lang,

isang linggo na lang at finals na naman... pero bago yun ay decision making muna sa math at madaming quiz at project at portfolio at assignments at kung ano ano pa.

Ang haba na pala ng natype ko. Ang haba pala magexplain na pakiramdam.. @_@

Wednesday, February 13, 2008

Verting @ Business

Selling Bot in Ragnarok Online
(available in any server)


For Php: 2000 Rok points or P100.00 (negotiable)

For Zenny: 1,000,000z (negotiable)

contact me @:
yahoo ID: verzzy19 (pm)

#--BOTTING IS HEALTHY--#