Saturday, October 27, 2007

My three little pigs! ^_^

a letter from my best friend ever! - DUMS grabe effort niya dito 6am na siya natulog..birthday gift nya ata sakin 'to. tsk wala pa gumagawa nito sakin ..so touched.. i love reminiscing hahaha!!


Because your birthday is coming soon.. I made this especially for you.. Wala lang trip kita kasing gawan e.. Kaya ito na yun...


Dude when we're still elementary students ang sabi sa akin ay na 'wag daw akong lalapit sa'yo... Kasi masyado ka daw matapang.. Ewan ko ba kung anong ibig niya sabihin dun.. Pero sa totoo lang natawa talaga ako sa kanya pati na rin sa sinabi niya sa akin..;) Aun.. Lumipas ang ilan buwan at nasa ika 6 na grado na tayo sa elementarya.. Naging magclassmates tayo at ang ating adviser ay si GNG. GRANADA.. Nasa isa tayong row pero hindi pa tayo ganun kalapit sa isa't-isa.. Ang katabi mo ay si Raymond at ang nasa harap mo ay si FAE na dinedicate mo pa ang kanta ng OLACS HYMN.. Dahil ang birthday niya ay June.. Ang katabi ni FAE ay si ALKAINE na never mong naging close.. At ang nasa likod mo naman ay si "ehem" LIA, na lagi mong inaasar at pinaiyak mo pa.. At nilait mo pa ang kanyang cellphone dahil 3310 lang ito.. Pero nung panahon na iyon ay naka 5110 ka lang at ang uso ng unit ay 3310.. Tapos ako ang nasa pinakalikod kasi matangkad ako at straight ang likod ko.. After 1 and a half month ay FILIPINO WEEK na, may program sa loob ng church tapos ikaw ang katabi ko.. First time kitang makausap nung una natatakot pa ako dahil naaalala ko yung sinabi sakin nung gr. 5 ako.. Pero ok ka naman pala mabait at nakakatawa.. Ayun! at nalaman mo nga na crush ko si GULAY.. At inamin mo naman na crush mo si KULOT..;) Nice code name.. Tapos sabay pa tayo umuwi nun kasama natin ang kapatid kong si Joselle.. Tapos nung nakababa ka na nahulog ang wallet mo na wala ka man lang malay.. Buti na lang ay nakita ito ng ALE na kasabay natin sa jeep.. Tinago ko ito.. At tinignan ko din ang laman kasi baka may pera at baka mawala.. Buti na lang 20 pesos lang ang laman.. Kinabukasan ay excited akong pumasok dahil nga nasa akin ang wallet mo.. Nung pumasok ako sa classroom ay nakita kitang malingkot at matamlay.. Lumapit ako sayo at tinanong kita "Ui! Vera may nawawala ba sa iyo?.." at sinabi mong "nawawala kasi yung wallet ko e.. pinagalitan nga ako ng MAMA ko dahil dun e.." bigla kong binunot ito galing sa bulsa ko at sinabing "buti na lang nakita ng ALE ito kundi nawala na talaga yan.." Dun nagsimula ang lahat naging mabuti tayong magkaibigan.. Kapag lunch ay sabay sabay tayo nila TEKLA at BINOY at ako si MANOY..;) Binansagan taong apat ng mga tagaBPC 3 little pigs at ikaw ang tagapamahala sa amin.. Simula ng naging close tayo ay nakasama na din ako sa listahan ng mga inaasar mo.. Wala naman akong magawa dahil nakakatuwa na nakakaasar din minsan.. Dalawa ang tawag mo sakin MANOY dahil nga ang sabi mo matinik ako.. at BUKNOY dahil bilugan ako.. Kay C naman TEKLA,ATE SHAWI atbp.. Kay F naman ay BINOY dahil sa kanyang patilya at ZEST dahil sa kanyang batok..;) Gumawa ka ng isang sulat na may title na "C" na nakuha sayo ni GRANADA.. Ang pangalan mo ay laging nasa board dahil NOISY,NIPS at STANDING ka.. Daig mo pa ang kumandidato bilang SSC o kaya BARANGAYETTES sa school.. Bawat lista sa board ay katumbas ng 20 pesos.. Pero kahit minsan ay hindi kita nakitang nagbayad.. Nadamay pa nga ako ayo dahil dinaldal mo ako.. Ayun! Nagkaroon ako ng bayarin na 20 pesos.. Tapos may isang araw na pagpasok ko ng classroom ay sobrang tahimik ng ng mga tao.. At sinabi na lang sakin ni VEVERO na nagaway kayo ni HERSHEY (tatak ng bag nya).. Nagsabunutan daw kayo hanggang sa maabutan kayo ni GRANADA.. Ang sabi ng iba ay kasalanan mo daw dahil nakaharang ka sa pinto.. Pero ako hinayang na hinayang dahil hindi ko nakita ang sabunutan niyo ni HERSHEY.. Nalagasan ka nga ng buhok yun ang sabi mo.. Ginawan mo ng magandang kanta si BINOY aka ZEST yung tungkol sa CIRCLES..;) "Big circle(2x) Biggest Circle this is MAMA this is PAPA waiving OINKOINK.. 10x10(2x) 100 10x10(2x) It's F............ Ganun ang pagkakagaawa mo, na halos isumpa ka ni ZEST aka BINOY dahil sa ginawa mong kanta.. May ginawa ka naman na letter para kay GULAY, ginawa mo yun na pang BLACKMAIL sa akin kapag inasar kita.. Pero isang araw nakuha ko yun sa wallet mo na hindi mo alam.. At hanggang ngayon ay nasa akin pa rin yun, dun s loob ng sulat ay may nakalagay pang drawing na hindi ko naman alam kung sino siya.. Ang mga pader ng classroom ay bagong pintura kaya ang sabi ni GRANADA wag aapakan ang wall.. Pero may nakitang bakat ng sapatos at naginspeksyon at nakita na kaparehas ng nsa wall yung design ng sapatos mo.. Pinagtanngol ka nila HERSHEY.. Pero ang totoo ay sayo talaga yun, dahil lumapit ka sa amin para makipagkwentuhan.. Pero tahimik lang kami nila TEKLA at BINOY aka ZEST.. Dumating na ang FOUNDATION DAY tayong apat ang magkakasama tapos dumating si GULAY at ayon naiwan ko kayo at hindi ako nakapagpaalam sa inyo.. Nagalit kayo sa akin dahil ang lakas manggatong ni BINOY aka ZEST.. Pero hindi ko alam kung bakit kayo nagalit.. Hindi nyo ako pinapansin sa classroom kaya ang lagi kong kasama ay si HERSHEY.. Na sobrang BORING kasama dahil kakaiba ang mga trip niya sa buhay e.. Nung pinansin ako ni TEKLA sa text at ni BINOY aka ZEST ay medyo naging comportable ako.. Pero ikaw matindi ka ayaw mo talaga akong pansinin e.. Dumating pa sa point na sinaktan pa kita kasi napikon na ako sayo.. Tapos si HERSHEY nakikiepal sa away natin hindi naman siya kasali.. Umiyak ka tuloy at naawa ako sayo at sinaway ko siya.. Pero ayun nagSORRY na ako at naging ok na ulit tayo.. Tapos practice na ng graduation natin nagkaroon kami ng gap ni GULAY hindi ko alam kung anong reason.. Tapos ikaw ang nandun sa akin nung umiyak ako.. Sinabi mo pa na "wag mo na siyang pansinin dahil tuwang tuwa siya na nakikita kang umiiyak.." Kaya badtrip ako sa kanya nun.. Tuwing practice natin lagi ka namin tinignan kapag naririnig namin ang words na "BUNYI at BASTON".. Graduation na.. Malungkot na masaya kasi HS na din pero ikaw lilipat ka naman at hindi ko maalala na pinagtripan ka namin nung Grad.. 1st year HS pumunta ka sa school para dalawin kami.. Ayun naghampasan pa tayo ng jacket mo na amoy TINAPA dahil natuyo sa basa ng ulan.. Pinakilala kita kay V na naging crush mo na gusto ni K na bestfriend mo nung Kinder ka.. Tapos nwalan tayo ng communication.. Kay Tekla na lang kita pinapakamusta.. 3rd yr HS sabi mo babalik ka sa O.. Pero hindi pala may plano pa naman tayo kay K.. Sabi mo sasapakin natin siya..;) Pero pinili mo pa din sa SR kahit na ginupit ng MADRE yung palda mo..;) Minsan pumupunta kami sa bahay mo para bumisita at makikain ng tinapay.. Ang paborito mo pang kanta nun ay FOREVERMORE ng SIDE A.. Patay na patay ka sa kanta na yun.. Tapos may nakwento ka pa na tungkol sa JS nyo na ayaw ng MADRE ng mga SWEET na music gusto niya panay HIPHOP pinagtawanan mo pa siya.. 4th yr HS may kamukha c KULOT na classmate ni TEKLA at ayun medyo nagkaroon na tayo ng communication.. Kasi interesado ka sa mukha ng LOOK A LIKE ni KULOT.. College na.. Ayun pumunta ka ng birthday ko na medyo naCULTURE SHOCK pa ako.. Dahil di kita mahagilap kaya akala ko hindi ka pupunta.. Ayun NAOP ka nga sabi mo sakin.. Tapos HOMECOMING pumunta ka.. Hindi tayo pinansin ni BINOY aka ZEST.. Kasi daw nagbago na ang mga tao.. Parang timang lang e.. Basta tayo nila TEKLA at ako MANOY aka BUKNOY ganun pa din ang treatment.. Walang pinagbago sa isa't-isa.. Matagal bago tayo ulit nagkita.. 2nd yr College.. 1st sem.. Nakachat kita sa YM may problema ka kasi sabi mo BUSTED ka.. Pinahula mo pa alam mo naman na alam ko na.. GETS ko kasi kagad yun.. Nakipagkita ka sa akin.. Pinapunta kita sa BG kasama natin friends ko.. Ayun.. We Drink ed 'til we got DRUNK.." Ayun.. Sobrang nanibago ako sayo kasi naging sobrang serious ka sa buhay mo.. Ganun pala kapag naging EMO SHIT!!! Tapos niyaya mo pa ako sa VITO CRUZ na ayokong puntahan sa buong buhay ko.. Ikaw lang sumira ng promise ko sa sarili ko..;) Lintik ka talaga.. hahahaha.. Tapos naglagay pa ako ng 100 at ikaw din 20.. Langya.. Nakita ko pa yung tao na patay na patay sakin.. Tapos pinuntahan natin si mommy sa JOLLIBEE.. Tapos sa jeep naamoy ka pa.. Nadamay tuloy ako.. Lintik ka talaga..;) Nagsleep over ka sa amin dahil gusto mong makalimot sa mga PAIN.. It help naman kahit papano and tinuruan mo akong mgDL kaya ngayon sobrang addict ako sa DL.. Umaga na ako natutulog e.. NAINLOVE pa ako.. Lakas ng epekto mo e.. Pero ayos lang dahil mabait naman yung mga nakilala ko dun sa DL.. Tinawagan ka ng NANAY mo kasi sobrang worried sayo.. Kinabahan tuloy ako nung kinausap ko.. Paasaway ka.. Sobraang busog ka dito dahil may JOLLIBEE na may KFC pa..;) Nasira tuloy ang DIET mo.. Ayan.. Medyo naging maayos na ang takbo ng isip mo ngayon pero isa ka pa ding EMO SHIT!! At naghahanap ng first real relationship.. Nabaliw din siya dahil nilagay ba naman ako sa 18 shots.. At nakadress siya for the first time..;) CAN'T WAIT TO SEE YOU in your DRESS.. for sure ang ganda mo.. hahaha.. Tapos ngayon gusto niyang gayahin ang mga malupit kong style..;) Gusto niyang magpabutas sa TONGUE.. Dapat 3 din ang butas mo katulad ko ah.. Dahil sobrang busy mo ngayon.. I just wrote this para naman madagdagan pa lahat ng gawain mo.. Hindi para lang mapatawa kita kahit papano tska mapaiyak..;) I hope you'll appreciate this thing.. Just want to help you out.. I know your so stressed with your FUCKING studies.. Ayan ah.. Just want you to know that Im always here as your BFF and kapatid na din..;) See you sa birthday mo.. I'll be there dont worry.. We'll rock your birthday.. Thank You for being one of the best.. ROCK ON \m/ ...dumsdums... infairness i liked it ah..;)

http://dumsdums.blogspot.com/

1 Comments:

At November 25, 2009 at 10:53 AM , Anonymous Anonymous said...

verting.blogspot.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading verting.blogspot.com every day.
payday advance
faxless payday loans

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home