Friday, August 31, 2007

Smiling Face

Naranasan mo na bang...


sa isang pampasaherong dyip o habang naglalakad sa kalsada, maraming matang nakatingin na tila nagmamatyag. Hindi mo alam ang gagawin para matakasan ang mga matang parang patalim sa tulis.

May isang pangyayaring magbabalik sa iyong alaala. Hindi mo alam kung bakit pa dapat maalala sapagkat ito'y nakalipas na. Maaaring ito ay kanina o taon na ang nakalipas ngunit ang utak mo ay gustong sumigaw hindi makayanan ang tensyong nagaganap parang kinikiliti ka bawat ikot ng iyong mga mata. Ngunit anung gagawin mo kung walang taong handang makinig sayo sa mga oras na 'to? lingon dito lingon doon., wala pa ring kakilala.

Hindi mo na kaya. Ang iyong mukha ay nagiiba na ng timpla mula sa pagiging seryoso ay dadating ang ngiti sa iyong labi. Iniiwasan mong may makakita nito dahil alam mong ang mga mata ay magaling humusga. "Ano na lang ang iisipin nila?"--pilit mong kinakalimutan ang pangyayaring iyon, daig pa nito ang tawag ng kalikasan. Pilit iniisip na "tama na hindi ako natatawa!", ngunit sadyang malakas ang iyong tawa at tawanan ng iyong mga kasama nang mga oras na iyon at sila'y nagbabalik sa iyong pandinig upang muli kang pasiyahin. Dadating nanaman ang ngiti sa iyong mga labi at ito'y kakagatin mo na lang upang maitago, gagamit ka ng panyo upang matakpan at uubo ka na lang upang kahit paano'y mailabas ang nararamdamang tensyon sa iyong lalamunan.

success! tapos na din ang iyong paghihirap. Walang mga matang nakapansin sa iyong mga ngisi at ito'y muli mong ibabaon sa iyong alaala at magbabalik kapag ikaw ay tulala at nagiisa.





0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home