Maghanap tayo
Aug. 28, 2007 umaga, wala kaming report sa Sociology dahil: hindi namin alam. nakalimutan, o sadyang kinalimutan namin. Hindi kami nakapagpareserve ng CPU at projector na halos dalawang buwan nang dapat napaghandaan. Ngunit hindi tungkol dyan ang kwento ko.
Napunta ang atensyon ko sa nabanggit ng isa sa aking mga kagrupo. "malas, mukang malas nga talaga dahil may lunar eclipse mamaya!" --sabi niya... Lunar eclipse??!.... Picture ang unang pumasok sa isip ko. Dapat ay makuhanan ko yun dahil isang beses lang mangyayari yun sa isang taon! Nung isang taon ay hindi ko din yun nasaksihan dahil sa hindi ko alam na dahilan.
Pero mukang hindi naman talaga malas ang dala ng eclipse dahil nagawa naming magpaliwanag sa aming prof na ginamitan ng konting karisma ng magaling kong kagrupo at yun solve!
Sa sumunod na klase mukang patuloy ang magandang hatid ng eclipse sa araw namin. Wala ang prof namin na ni-minsan ay hindi pa nag-aabsent!! ayos! ang aga ng uwian namin!
Pero syempre dahil walang klase, kagaya ng inaasahan ay sa mall namin ginanap ang naudlot na ITlab. Nung una ay ayoko sumama dahil baka hindi ko maabutan ang eclipse dapat 6pm ay nasa bahay na ko pero dahil hindi ako makatanggi, wala akong nagawa kundi sumama at nakita na lang ang sarili kong nagbabayad na ng pamasahe sa dyip papuntang kung saan.
Market Market -- dun kami nagdaos ng klase namin. May nangyaring hindi ko alam kung tatawaging swerte na naman o ang kapal lang talaga namin tsk. -- (sasabihin ko na lang sa kaduktong nito dahil may mga bagay na dapat ninyong makita).
Paguwi -- 5:30 ako dumating ng bahay, medyo pagod at inaaantok. Nalimutan ko na ang tungkol sa hinihintay na lunar eclipse...... At muli itong naalala nang magkwentuhan kami ng pinsan ko tungkol sa 'Embassy'...
ako: punta tayo ng embassy!
pinsan: ah.. eh ano naman gagawin natin dun?
ako: ayyyyy may lunar eclipse nga pala ngayon!!!!! (sabay akyat at punta sa terrace)
pinsan: (hanap ng negative).
ako: waaaaaaaaaaa! wala naman eh!! ang dilim-dilim!
pinsan: umulan kasi.
Pero dahil mapilit ako at nagbakasakaling may makikita kahit anino, pinagpipindot ko ang kamera ko hanggang sa wala akong napala kundi...
Antena (di sinasadyang sumali) 
Sipit na glow in the dark
Wala na lang akong nagawa kundi panoorin sa TV ang kasalukuyang nagaganap na lunar eclipse sa mga oras na yun.
Ph's Best

Masarap ba ang Ph's Best?
Natulala na lang ako ng makita ang isang advertisement sa Friendster.com. May ibinibentang mabiling mabili at sobrang in demand lalo na sa mga "hilaw" - "hilaw na DOM" ang pangalan ay Cebuana Girls.
Ang ganda ng pagkaka-advertise na my tagline na parang ganito - "Filipinas this is your chance to have a good fortune! marry an American man!" - woaha! ayos parang sinabing wala na kayong pagasa kaya grab the opportunity! parang jackpot ang magasawa ng kano. AT TAMA BANG IBENTA ANG PINOY? Hindi man direkteng binibenta ganun pa din ang lumalabas.
Hindi ko napigilang hanapin yung site at syempre sa tulong ng world wide web, feeling detective na naman ako. Nakita ko yung site. Hindi ko alam kung maiinis ako o mahihiya dahil sa homepage pa lang ay may mga pilipina nang handang sumali sa contest.
May mga picture nila na pang 1x1 ang nakapost sa isang napaka cheap na website. Grabe wala man lang ka-effort effort yung web designer parang elementary na gumawa ng 1st website nya yung itsura. Badtrip!
Name your price!.
Beautiful Philippine girls and women looking for pen pals, love and marriage. A free website.
Isang testimonial sa site mula sa isang member : "thanks for ur wonderful site, meet my Man. Just want to say thanks a lot for making me use ur site to find my man, just want to let u know this and tell u to pls remove my add there. I will be glad if my request is granted, more grace to ur elbow." K. L.
Hindi ko alam kung ano talaga ang gustong palabasin ng gumawa ng site na yan at bakit mga pilipino ang ginamit nyang main menu sa handa niyang webpage.. at bakit meron paring mga pilipino ang pumapayag na maging canned goods na pang export.
egay exists PH.
Egay exists Ph.pagkatapos ng instant vacation umalis na si master.
babay egay.